Photo: DepEd Philippines/FB

Kindergarten, Grade 1 makatatanggap ng libreng school meals ngayong taon

Makatatanggap ng libreng school meals ang lahat ng mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 1 sa buong bansa, ito ay ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).

Sa panayam sa DZRH, sinabi ni Assistant Secretary Joyce Andaya na dinagdagan ng kagawaran ang kanilang pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP) mula P11.8-billion patungong P25.6-billion.

Dahil sa mas pinalaking pondo, mas pinalawak rin ang implementasyon at ang layuning mabigyan ng libreng pagkain ang dalawa sa pinakamababang grade levels ay tatawaging unversal feeding.

“Ngayong 2026-2027 school year pinalawak pa natin upang masaklaw hindi lang ang Kinder, pati Grade 1. Ang tawag natin doon, universal feeding,” ani Andaya.

Photo: DepEd Philippines/FB

Karagdagan, sinabi ng DepEd official na tuloy ang school-based feeding program sa upper levels (Grade 2 and above), bagamat mas bibigyang prayoridad ang mga mas nangangailangan.

Ang mga tinutukoy na prayoridad sa upper levels ay ang mga Indigenous Peoples learners, students in Last Mile Schools, mga naka-enrol sa Special Education program, at mga nagdadalang-tao at dalagang ina.

Inihayag ni Andaya na ang feeding program ay nakaangkla sa paniniwalang hindi matututo ang mga bata sa gutom na sikmura.

Samantala, magsisimula na bukas, June 8, ang klase sa mga pampublikong paaralan kung saan magkakaroon ng mga pagbabago – kabilang ang paglipat sa three-term system.

Photo: DepEd Philippines/FB

Ang three-term system ay nangangahulugang hahatiin ang school year sa tatlong academic terms na may mas mahabang panahon para sa pagtuturo at enrichment activities.

“Itinutulak natin ito upang magkaroon ng mas mahabang tuloy-tuloy na panahon ng pagkatuto, mas maayos na pacing ng aralin, at mas mababang administrative burden para sa ating mga guro,” ayon kay Secretary Sonny Angara.

Mas mapapangalagaan ang kalidad ng edukasyon sa ganitong paraan, ani Angara, sang-ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Second Congressional Commission on Education 2.

Sources: Facebook, Situation Report, DepEd

About RRSS News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *